Alam ba natin kung saan galing ang perang hawak natin? pinahahalagahan mo ba kung ano meron ka? pera, pagkain at maayus na buhay. Abaca, isang uri ng saging na katutubong sa pilipinas, ito lang naman ang ginagamit sa pagagawa ng pera, papel at iba pa madali lang namn ito hanapin noun pero ngayun hindi na kailangan pa nilang hanapin sa mga madaming puno para makaputol sila ng abaca. Bakit hindi na madaling makita ang abaca? dahil sa daming puno na pinuputol unti unti rin kumakalbo ang mga bukid at sana ating pahalagahan ang ating mga puno at ating enviromen. Malakas humigop ang abaca kaya minsan makakita mo sila sa kiid ng ilog, nagtatanim din sila ng abaca pero dapat pa silang humintay ng isang taon para maputol nila ito kung minamalas minsan hindi sila lumalaki dahil sa kakulangan ng tubig o dahil sa kanilang enviroment kaya mahirap na makakita ang abaca.
Sa Dokumentaryo may pamilya na ang ama ay hanap buhay ay pagputol ng abaca malakas ang kita nila sa abaca pero unti unting hindi na malakas dahil sa pagputol ng mga puno kaya mahirap ang kanilang pagkita, nakakaawa din ang kanyang mga anak mukha silang malusog pero minsan hindi na sila kumakain at kamote lang ang kanilang kinakain at kung sinswerte sa pagkita ng abaca makakain sila ng bigas nag-aaway pa sila dahil sa kamote naawa din ang kanilang ama sa kanila gusto nyang bigyan sila ng magandang kinabukasan at masarap na pagkain pero dahil sa paghihirap hindi nya ito maibibigay sa kanyang mga anak kaya sobrang lungkot at nakakaawa. Kapag nakaputol sila ng abaca kailangan nila bumaba ng bundok ng ilang oras at mahirap ito dahil mabigat ang abaca at meron pa sila bata na kasama na nag puputol din ng abaca para may ikabili sya ng notebook at sa kanyang mga pangangailangan sa kanyang paaralan. Malaking makakita mo sa abaca pero sa pwesto ng isang magsasaka kailangan pa nyang bayaran ang kanyang utang at sakto na sa kanya ito pambili ng bigas at sardinas sa kanyang pamilya at masaya na sya nun.
"ang nag papasan ng sangkap ng pera ay hindi man lang makahawak ng pera...." sobrang lungkot lang pakinggan kasi masaya na sila sa isang unting pera na kanilang nakukuha sa pagputol ng abaca masaya na sila maypambili ng bigas sa kanilang pamilya. Sana ay pinahahalagahan nyo kung ano meron kayo ngayon kasi may iba pang tao na naghihirap at kailangan mag trabaho ng kahit ano para lang may pangpakain sa kanilang pamilya. Ang pagagawa ng pera ay galing din sa mga taong na naghihirap para makakita lang ng pera at sana maisip natin na maswerte na tayo ngayon kaysa sa mga ibang tao at sana marunong din tayong magpasalamat kung ano meron tayo ngayun.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento